PANUKALANG ORDINANSA UKOL SA RULES AND REGULATIONS SA PALILIGO SA ANGALACAN RIVER, DININIG SA PUBLIC HEARING

Dininig sa isinagawang Public Hearing ng Sangguniang bayan ng Bayamabang ang tungkol sa panukalang ordinansa na tungkol sa rules and regulation sa paliligo ng mga residente at mga bisita sa Angalacan river.
Ang pagsasagawa nito ay dahil sa naitalang isang kaso ng pagkalunod sa naturang ilog.
Ayon sa Mangaldan PNP, noong 2022, apat ang naitalang biktima ng pagkalunod sa ilog, dalawa rito mga menor de edad at estudyante pa lamang.
Dagdag nila, mahalaga ang papel ng sektor ng edukasyon sa pagdinig na ito kaya naman inanyayahan din ang mga punongguro, kinatawan at student leaders mula sa public elementary and high schools.
Nasa pandinig din ang ilan sa mga pamilya ng mga naging biktima ng pagkalunod sa Angalacan River.
Mungkahi ni Principal IV, Eduardo Castillo ng Mangaldan National High School, pagbawalan ang mga estudyante na pumunta sa ilog tuwing oras ng klase at malaking bagay di na na mapataas ang perimeter fence sa kanilang paaralan.
Naglalayon ang ordinansa na ito na maglatag ng mga alituntunin at regulasyon na makakatulong sa pag iwas ng pagtaas ng kaso ng pagkalunod sa Angalacan River.
Mabibigyan din nito ng proteksyon ang mga mamamayan ng bayan maging ang mga turistang dumarayo rito.
Nakapaloob sa ordinansa ang pagkakaroon ng lifeguard tower, certified lifeguard at medical responders at maging paglimita ng oras ng paliligo sa ilog sa oras lamang ng alas-syete ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Facebook Comments