PAGSASAGAWA NG LECHONAN ED BARANGAY SA LASIP CHICO DAGUPAN CITY, TARGET GAWING ANNUAL

Target na gawing annual o taon-taon ang pagsasagawa ng Lechonan Ed Barangay sa Dagupan City.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Brgy. Lasip Chico, Brgy. Captain Aldwin Dexter Meneses, nasa labing apat na mga baboy ang nilitchon sa kauna unahang Lechonan Ed Barangay nila.
Ayon sa kapitan, plano nilang gawing taon-taon ito bagamat kinailangan nilang mag ingat Lalo na at may banta ng African Swine Fever.

Sa ngayon ay nasa limampung pamilya sa kanilang Barangay ang nagsagawa ng paglelechon at inaasahan pa na dadami ito kasabay ng pagbangon nila mula sa COVID19. |ifmnews
Facebook Comments