Panukalang pag-amyenda sa BCDA charter, vineto ni PBBM

Binasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong baguhin ang charter ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) dahil sa pangambang maaaring ito ay sumalungat sa umiiral na mga batas at makasama sa fiscal position ng pamahalaan.

Sa veto message ng Pangulo, nakasaad na kinilala niya ang mabuting layunin ng panukala ngunit iginiit na hindi niya maaaring balewalain ang mga inilutang na isyu ng mga ahensya ng gobyerno.

Ilang problema sa panukala ay ang pagtaas ng authorized capital ng BCDA ng 100 billion na maaaring makaapekto sa fiscal integrity ng pamahalaan.

Ayon pa sa Pangulo, ang mungkahing paggamit ng kita mula sa bentahan ng mga lupa sa ecozones para lamang sa BCDA ay labag sa polisiya ng pamahalaan sa pagkakaroon ng “one-fund policy,” na nagpapahina sa kakayahan ng gobyerno na gamitin ang pondo para sa mas mahahalagang pangangailangan.

Sumasalungat din sa mandato ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbibigay ng kapangyarihan sa BCDA na tukuyin ang mga lupang maaaring ibenta ay sumasalungat sa mandato ng Department of Environment and Natural Resources.

Tinukoy rin na taliwas ito sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Republic vs Heirs of Bernabe ang pagbibigay ng karapatan sa BCDA sa pagmamay-ari at pagbebenta ng mga lupa, kung saan malinaw na ang estado pa rin ang tunay na may-ari ng mga lupang inilipat sa BCDA sa ilalim ng Republic Act No. 7227.

Facebook Comments