Panukalang Pagbawal sa Paggamit ng Plastic sa City of Ilagan, Pumasa na sa Unang Pagbasa!

Cauayan City, Isabela- Pumasa na sa unang pagbasa sa konseho ang panukalang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlungsod City of Ilagan.

Ipinanukala ni SP Jay Eveson Diaz, ang pangunahing may akda na mahigpit nang ipinagbabawal sa Lungsod ang paggamit ng mga plastic o Anti-plastic sa mga susunod na araw.

Sinang-ayunan agad ng mga kasapi ng konseho ang ‘Plastic and Expanded Polysterene Regulation Ordinance’.


Ayon kay SP Diaz, isang taon nila itong paghahandaan bago maipatupad ang kanyang ordinansa dahil dadaan muna ito sa public hearing maging sa committee hearing on environment at committee on laws and ordinance.

Kumpiyansa naman si SP Diaz na maipasa ang kanyang inihain at inilatag na ordinansa dahil napapanahon na aniya ito sa nararanasang global warming.

Kalakip ng naturang ordinansa ay mabibigyan ng livelihood program ang mga Indigent sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga eco bags, recycle bag at bayong.

Facebook Comments