Panukalang pagbibigay ng tech-voc at livelihood training sa rehabilitated drug dependents, pasado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 260 na mga kongresista ay nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7721 o panukalang magbibigay ng technical-vocational education and training o TVET at livelihood programs sa rehabilitated drug dependents.

Base sa panukala, magkatuwang na ikakasa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakaloob ng TVET at livelihood program sa mga dating adik sa iligal na droga na sumailalim na sa rehabilitasyon.

Target ng panukala na malinang ang kanilang kasanayan, magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho, makapagsimula ng sariling hanapbuhay at maging katuwang sa pag-unlad ng ating bansa.


Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang maitutulong ng panukala sa ating mga kababayan na nalulong sa ipinagbabawal na gamot pero nagsisikap na bumangon at magbagong-buhay.

Facebook Comments