Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na bubuwag sa Optical Media Board (OMB).
Nagkasundo ang mga senador na ipabuwag na ang OMB dahil hindi na ito kailangan o obsolete na.
Sina Senators Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian at Robin Padilla ang nagpabuwag sa ahensya.
Sa ipinasang Senate Bill 1654, ililipat ang mga kapangyarihan, responsibilidad at personnel ng OMB sa Intellectual Property Office of the Philippines.
Ayon kay Gatchalian, sa halip na panatilihin ang OMB na hindi na umaayon sa kasalukuyang panahon, mas maiging maglaan ng pondo sa mga ahensyang may kakayahang tumugon sa mga hamon ngayon ng mga bagong teknolohiya at digital economy.
Facebook Comments










