Panukalang pagpapaliban ng Barangay at SK elections, lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo ang huling pagbasa ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda sana ngayong buwan ng oktubre.

17 ang bumoto pabor sa panukala na kinabibilangan nina Senators Gordon, Poe, Zubiri, Lacson, Angara, Pimentel, Gatchalian, Binay, Sotto, Aquino, Drilon, Escudero, Legarda, Pacquiao, Pangilinan, Recto, at Villanueva.

Tanging si Senator Risa Hontiveros lang ang kumontra at walang nag-abstain.


Sa inaprubahang panukala ay itinatakda na isagawa ang eleksyon sa huling Lunes ng Mayo sa susunod na taon.

Sa bersyon ng Senado ay inalis na rin ang probisyon na magpapahintulot kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalga ng Officer-In-Charge o OIC sa mga barangay.

Facebook Comments