Pinadaragdagan pa ng P263.520 million ang budget ng Commission on Election (Comelec) para pagbili ng karagdagang 10,000 vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa 2022 election.
Ayon sa Comelec, mayroon na silang alokasyon na P864,024,067 para sa pagbili ng VCMs na mas mataas ng P263.520 million sa inisyal na pondo ng Comelec na P600,503,500 para sa pagbili ng VCMs.
Una na rin itong hindi pinayagan ng lone bidder na Smartmatic Total Information Management Inc. dahil hindi anila sapat sa proyekto.
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P26.4 billion pondo ng COMELEC na mas mababa kumpara sa P42 billion na proposed budget ng komisyon
Sa ngayon, umabot na sa 63 milyong Pilipino ang nakapagparehistro at inaasahang madaragdagan pa sa mga susunod na araw dahil sa pagpapalawig ng voters’ registration na nagsimula noong Oktubre 11 hanggang sa katapusan ng buwan.