Panukalang sampung taong validity ng pasaporte, lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Sa boto ng 18 Senador ay lumusot na sa third and final reading ang Senate Bill No. 1365 o panukalang nag aamyenda sa Philippine Passport Act of 1996 para palawigin ang ang bisa ng passport sa sampung taon mula sa kasalukuyang limang taon lamang.

Ayon kay Senator Cynthia Villar na Vice Chairman ng Committee on Foreign Relations at nag isponsor sa panukala malaki ang pakinabang ng migrant workers kapag naisabatas na ang nabanggit na panukala.

Inaasahan ni Senator Villar na wala itong mahabang debate sa bicameral conference committee dahil ang ipinasang bersyon ng House of Representatives noong Pebrero ay pareho ng bersyon ng Senado.


magiging kaagapay anya ito ng mas mahabang passport validity ang mga hakbangin ng Department of Foreign Affairs upang matugunan ang mahabang pila at mababawasan ang backlogs sa application at release ng pasaporte.

Sinang ayunan naman ito ni Senator Sonny Angara sa pagsasabing malaking tulong sa mga OFWs, na hindi na nila kailangan pang mag leave sa kanilang trabaho sa ibayong dapat kada limang taon at bumyahe pabalik ng bansa para lamang mag renew ng passport.

Sabi naman ni Senator Jv Ejercito na isa din sa may akda ng panukala, ang pagpasa nito ay isa aniyang magandang serbisyo sa lahat ng Pilipino sa buong mundo.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments