Pulis, hinoldap sa sinakyam niyang bus sa Pasay City

Manila, Philippines – Hindi nakapalag ang isang Police Inspector matapos holdapin ng apat na kalalakihan ang sinakyan niyang pampasaherong bus sa Pasay City.

Ang biktimang pulis ay nakilalang si Insp.Paul Kenneth Magan, nakatalaga sa PNP-Camp Crame.

Pasado alas-dose kaninang madaling araw, hinatid si Magan ng mga dati niyang kasamahang pulis-Pasay sakay ng isang police mobile sa sakayan ng bus sa EDSA.


Subalit lingid sa pulis ay nakita siya ng mga suspek na nagpanggap na mga pasahero nang sumakay ng Jayross Lucky Star Bus.

Agad siyang tinutukan ng baril at kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng 9MM na baril, cell phone, mga ID at iba pang mahahalagang gamit.

Kasunod nito ay nilimas din ng mga salarin ang mga gamit at cash ng iba pang mga pasahero ng nabanggit na bus bago mabilis na nagsitakas.

Sa pamamagitan naman ng roques’ gallery ng pulisya, nakilala ang mga suspek na sina Norman Deyta, Wendel Padilla, Junel Victorino at Edgar Binayug.

DZXL558

Facebook Comments