Panukalang Travel Tax Abolition, mahalagang maisabatas agad para maipatupad pagsapit ng holiday rush

Nananawagan si House Committee on Ways and Means at Marikina Rep. Miro Quimbo sa agarang pagsasabatas at implementasyon ng panukalang mag-papahinto sa koleksyon ng travel tax na nagkakahalaga ng P1,620 bawat pasahero.

Diin ni Quimbo, malaking bagay na maipatupad ang Travel Tax Abolition upang makabawas sa pasanin ng mga Pilipinong babyahe sa darating na Pasko at bagong taon.

Sabi ni Quimbo, papalapit na ang holiday rush at tiyak marami na sa ating mga kababayan ang nagpaplano ng kanilang biyahe upang mamasyal at mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa abraod.

March 16 ng kasalukuyang taon ay ipinasa ng House of Representatives House Bill No. 8464, o proposed Travel Tax Abolition Act habang nananatili pa itong nakabinbin sa Senado.

ang panukala ay kabilang din sa mga priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Facebook Comments