PBBM, tiniyak ang hakbang ng gobyerno laban sa karahasan at masasamang impluwensiya sa mga bata

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na responsibilidad ng lahat ang pagprotekta sa mga bata, lalo na sa gitna ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.

Sa pagbisita ng Pangulo sa Patul Elementary School sa Santiago, Isabela, sinabi niyang nakalulungkot ang mga naiulat na insidente ng pamamaril sa ilang paaralan sa Tacloban, South Cotabato at Zamboanga.

Ayon kay Pangulong Marcos, kailangang magtulungan ang pulisya, mga guro, magulang at pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa masasamang impluwensiya, kabilang ang mga nakikita sa social media.

Facebook Comments