Welcome sa Department of Justice (DOJ) ang inilabas na panuntunan ng Korte Suprema na gagabay sa lahat ng mga petisyon at aplikasyon kaugnay sa Anti-Terrorism Law.
Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, pabor ang DOJ dahil tinutugunan nito ang mga kontrobersyal na isyu na ibinabato laban sa batas kontra terorismo at may mga inilatag na remedyo.
Aniya, binabalanse sa rules on terrorism cases ang indibidwal na karapatan tulad ng data privacy at free speech, at ang kolektibong karapatan ng mga Pilipino para sa seguridad at sa peace and order ng bansa.
Iginiit ng DOJ na pinagtibay ng SC ang legalidad ng Anti-Terror Law at pinapalakas ng batas ang kapasidad ng mga awtoridad para mapigilan ang terorismo.
Kabilang sa inilatag na rules ng SC ay ang pag-isyu ng surveillance order at ang pag-aresto ng walang warrant of arrest laban sa mga taong pinaghihinalaang sangkot sa terorismo.