PBBM, idineklarang special non-working day ang January 9 sa Maynila dahil sa Kapistahan ng Itim na Nazareno

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na special non-working day ang January 9, araw ng Martes sa buong lungsod ng Maynila.

Ito ay batay sa proclamation No. 434, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw January 4, 2024.

Nakasaad sa proclamation na binibigyan ng pagkakataon ang mga taga-Maynila na makikiisa at i-enjoy ang Kapistahan ng Itim na Nazareno.


Una nang inanunsyo ng Palasyo ang holidays at long weekend sa buong bansa.

Facebook Comments