Matandang Pasahero ng PAL hindi pinalipad dahil nag-Bomb Joke sa Laoag Airport

iFM News Laoag – Hindi na nakapagbiahe pa ang isang ginang matapos itong nag-Bomb Joke sa Laoag International Airport kagabi alas 7:20 na sasakay sana ng Philippine Airlines.

Ayun kay Police Captain Nelson Fantonia ng Aviation Security Unit 1, nakilala ang pasahero na si Maria Evelyn Dolor Neuen, 70, taga Santa Maria, Ilocos Sur, may asawa, isang Dutch National na may German Passport.

Nangyari umano ang kanyang pagbibiro nang i-check ang kanyang luggage sa screener machine ng Office of the Transportation Security, sinabi nito sa isang officer na “May Bomba” di umano ang kanyang bagahe. Agad naman tumawag ang screening officer ng PNP Aviation pati ang K9 Team upang matignan ang kanyang bagahe, ngunit wala namang bomba.

Humaharap ngayon sa kaso ang ginang sa paglabag ng Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law na naipila ngayong araw sa fiscalia. Nakakustodia naman ngayon ang nasabing pasahero sa PNP Aviation. Magbabayad din ito ng penalty na aabot sa 40,000 pesos at pagkakulong ng higit limang taon. ### Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments