Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang operation guidelines sa pagtuturok ng COVID-19 booster shot.
Kasabay ito ng pagsisimula ng pagbibigay ng third dose o booster shots sa mga healthcare workers ngayong araw.
Sa 15 pahinang memorandum, binibigyan ng option ang mga health worker na pumili ng vaccine brand na ituturok sa kanila bilang booster dose.
Pero, nakadepende pa rin ito sa kung anong brand ng bakuna ang available sa vaccination site.
Samantala, ang mga Pilipinong unang nabakunahan ng Pfizer, Moderna, Sinovac, Gamaleya at Astrazeneca ay kinakailangang maghintay ng hanggang anim na buwan bago maturukan ng booster shot.
Tatlong buwan naman ang kailangang hintayin ng mga naturukan ng Janssen mula sa kanilang primary dose series.
Samantala, ang mga indibidwal na nakaranas noon ng adverse reactions matapos mabakunahan ay kinakailangan munang magpakonsulta sa doktor bago mabigyan ng booster shot.
Required ding magpakita ng vaccination card ang mga indibidwal na nais magpaturok ng booster dose.