Panuntunan sa parking sa lungsod ng Maynila, mas pinaigting

Manila, Philippines – Mas pinaiigting na ngayon ng lungsod ng Maynila ang kanilang mga panuntunan sa parking.

Inanunsyo na ni Manila Mayor Joseph Estrada, ang mahigpit na pagbabawal sa pag-parada sa harap ng mga simbahan, ospital, paaralan at malapit sa mga fire hydrants.

Inatasan ni Estrada ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na agad ipatupad ang nasabing bagong no parking rule kung saan nagbabala ito sa mga pasaway na magpa-park pa rin sa mga nabanggit na lugar na agad na ipapa-tow ang kanilang mga sasakyan kung hindi pa rin sila susunod.


Papatawan naman ng multang p3,800 ang mga light vehicles na hihilahin ng MTPB, habang P5,000 naman para sa mga vans at sport utility vehicles, P8,000 para sa mga truck at iba pang heavy vehicles at P2,800 naman sa mga public utility vehicles.

Sa ngayon ay sinimulan na ng mga tauhan ng MTPB na maglagay ng mga karatulang “No Parking” sa lugar ng mga paaralan, ospital, simbahan at fire hydrants sa lungsod.

DZXL558

Facebook Comments