PAO: Tinorture bago pinatay ang 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz

Manila, Philippines – Naniniwala ang Public Attorney’s Office (PAO) na sinadyang patayin ang 19-anyos na Carl Angelo Arnaiz.

Sa interview ng RMN kay PAO forensic team Chief Erwin Erfe, may mga indikasyon na pinahirapan o tinorture ang binatilyo.

Mayroong tama ng bala sa dibdib at isa sa likod ng kanang braso si Angelo.


Wala rin aniyang indikasyon na nagpaputok ng baril ang biktima.

Posibleng nakadapa o nakaluhod na ang biktima bago siya barilin.

Malabo rin ang tyansang makapagputok ng baril ang biktima.

Sa ngayon, ni-relieve muna sa pwesto sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita habang inihahanda na ng PAO ang kasong murder na isasampa sa Department of Justice laban sa mga pulis.

Facebook Comments