Paolo Ballesteros, nagladlad na ng tunay na katauhan!

Finally ay naglantad na rin ang TV host na si Paolo Ballesteros ng kanyang tunay na katauhan.

Say ni Paolo, kumpirmadong miyembro siya ng LGBTQIA+ community.

Bagamat natagalan ang kanyang pag-amin na isa siyang gay, natuwa naman daw siya sa pagtanggap sa kanya ng buong puso ng mga fans.


Hindi na rin daw niya kailangan pang magpaliwanag sa publiko kung bakit ngayon lang siya lumadlad dahil simula pa noon ay halata naman na daw ang kanyang tunay na kulay at wala naman nagbago sa kanya.

Bukod rito, inamin din ni Paolo na open siyang magpakasal sa kapwa lalaki.

Hindi na rin daw nami-miss ngayon ni Paolo ang intimate moment sa isang babae.

Una nang nagkaroon ng karelasyon sa isang babae si Paolo kung saan nagkaroon pa sila ng isang anak na babae pero kalaunan ay naghiwalay din.

Facebook Comments