Papalit na lider ng ISIS PH, mino-monitor ng DND at PNP

Kapwa nagbabantay ngayon ang Department of National Defense (DND) at ng Pambansang Philippine National Police  (PNP) sa aktibidad ng natitirang miyembro ng Grupong Dawlah Isamiyah.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay nga ang ISIS emir na si Owaidah Marohombsar alyas Abu Dar sa nangyaring engkuwentro sa Lanao del Sur noong isang buwan batay sa naging resulta ng isinagawang DNA testing na isinagawa sa Amerika.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hinihintay nila ngayon kung sino ang ipapalit ng grupong Dawlah Islamiya bilang kanilang lider


Si Abu Dar na dating Commander ng Abu Sayyaf, ang isa sa mga leader terorista sa naganap na Marawi seige na umano’y nag-take over bilang ISIS emir nang mapatay ng militar si Isnilon Hapilon.

Sa panig ni PNP Chief General Oscar Albayalde, sinabi nito na hindi sila magpapakampante lalo at may isa na namang Abu Sayyaf na naaresto rito sa Quezon City  na natapat pa sa panahon ng Holy Week.

Aniya inaasahan na nilang kakalat ang mga ISIS members sa iba’t-ibang panig ng mundo maging sa Pilipinas mula nang tuluyang malansag ang pamunuan nito sa bansang Syria.

Facebook Comments