PAPALITAN | Panukalang HIV and AID Policy Act, niratipikahan

Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Kamara ang panukalang Philippine HIV and AIDS Policy Act of 2018.

Layon ng panukalang batas na palitan ang dalawampung taong Philippines Aids Prevention and Control Act.

Sa isang statement, sinabi naman ni Dinagat Islands Representative Kaka Bag-Ao, na nais nilang iparating sa mga Pilipinong may HIV at AIDS na alam ng mga mambabatas ang kanilang mga sitwasyon.


Oras na maratipikan ng Senado, ang bill ay ipapadala kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pirma.

Facebook Comments