PBA | Hotshots, tinambakan ang Blackwater Elite; 133-99

Tinalo ng Magnolia Hotshots ang Blackwater Elite sa score na 133-99 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Nanguna sa Hotshots si Jio Jalalon na makapagtala ng 13 points, 12 rebounds at 13 assists.

Mayroon namang 22 points at 12 rebounds si Romeo Travis habang may 19 points si Paul Lee at 16 points si Marc Barocca.


Ayon kay Magnolia Coach Chito Victolero, pinaghandaan nilang mabuti ang laban kontra Blackwater.

Mayroon ng anim na panalo at isang talo ang Magnolia habang ang Blackwater ay mayroong anim na panalo at dalawang talo.

Facebook Comments