Paparating na suplay ng COVID-19 vaccine, hindi sapat para sa nasa A4 priority list – DOH

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na hindi sapat ang paparating na suplay ng COVID-19 vaccine para sa mga essential worker na nasa A4 priority list.

Ayon kay Duque, kakapusin ang mga bakunang darating dahil kailangang tapusin pa ang pagbabakuna sa mga nasa A2 or seniors citizen.

Aniya, nangangailangan pa tayo ng 10 million doses para sa A3 o person with comorbidities.


Maliban dito, kailangan din aniya ng 24 milyong dose ng COVID vaccine para sa 12 milyong economic frontliners.

Nakatakdang dumating sa bansa ang 500,000 pang dose ng Sinovac bukas ng gabi.

Ang 160,000 dose ng Moderna ay inaasahan darating ngayong buwan habang walang itinakdang petsa ang pagdating ng 300,000 pang Sputnik V vaccine at 2.2 milyong Pfizer vaccine.

 

Facebook Comments