PAPOGI LANG? | Basura na dinala sa bansa mula sa Canada, hindi pa rin kinukuha ng Canadian Government

Manila, Philippines – Dapat nang magtakda ng panahon ang Canadian government para alisin ang nabubulok na basura na dinala sa bansa noong taong 2013.

Nagpahayag ng pangamba ang environmental group Ecowaste Coalition na baka mauwi lang sa wala ang pangako ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na resolbahin ang isyu sa basura noong Nobyembre 2017.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition, muli nilang igigiit ang pag-alis sa bansa ng mga containers ng basura kasabay ng paggunita ng Philippine Earth Month ngayong buwan ng Abril.


Noong 2013 at 2014, kabuuang 103 containers van na puno ng basura mula Canada ang dinala sa bansa na unang ideneklarang mga recycling materials .

26 dito ay ibinaon na sa Tarlac landfill facility noong 2015 habang ang iba pa ay nasa pangangalaga pa ng Subic port.

Facebook Comments