SAGUPAAN | 3 NPA, patay; 5 pa, arestado sa naganap na engkwentro sa Camarines Sur

Camarines Sur – Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang naganap na sagupaan sa Bato, Camarines Sur.

Ayon kay Lt. Gen. Danilo Pamonag, ang Commander ng Southern Luzon Command, pasado alas 6 ng umaga kanina ng maganap ang engkwentro sa pagitan ng NPA at ng mga tropa ng 83rd Infantry Battalion.

Nagtagal ng isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig.


Bukod sa mga nasawi sa engkwentro, 5 iba pang miyembro ng NPA ang naaresto ng mga otoridad.

Maswerte namang walang naitalang nasugatan sa government side.

Napapatuloy ang hot pursuit operation laban sa mga miyembro ng NPA na tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments