PARA HINDI MAGKATOTOO | Kathryn Bernardo, dedma sa hulang mabubuntis siya nang hindi pa kasal

Manila, Philippines – Tinawanan na lang ng aktres na si Kathryn Bernardo ang hula na mabubuntis daw siya nang hindi pa kasal.

Mismong ang 22-year old actress ang nagkwento nito sa April 2018 issue ng isang magazine kung saan sila ang cover photo ng reel-and-real-life sweetheart niya na si Daniel Padilla.

Last year daw nang may prediction na mabubuntis siya kaya naman halos mapraning ang lahat.


Pero say ng Teen Queen, hindi siya nag-aalala dahil hindi siya naniniwala sa hula.

Feeling daw kasi niya, kapag lalo mong naisip, baka ‘yun talaga ang mangyari.

Facebook Comments