Manila, Philippines – Nakaisip ng kakaibang paraan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para maipakita ng taumbayan ang suporta at dasal nito sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi.
Ayon kay AFP Spokesperson, Brig. Gen Restituto Padilla – ito’y sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga supporter troop shirt ng AFP civil relations service sa halagang 150 pesos.
Paliwanag ni Padilla – wala silang kikitain sa pagbebenta dahil 150 rin ang halaga ng t-shirt at ang mga gamit sa pag-iimprenta.
Dagdag pa ng opisyal, isa pang paraan ng pagpapakita ng suporta ay ang pagdalaw sa mga sundalong nagpapagaling sa V. Luna Hospital sa Quezon City.
*
Facebook Comments