Inalis na ng Department of Health (DOH) ang ‘legally contested policy” kung saan pinapayagan ng estado na mabigyan ng parental consent ang mga bata na mabakunahan laban sa COVID-19 kahit pa hindi pumayag ang kanilang magulang.
Kasunod ito ng inihaing petisyon sa Quezon City Regional Trial Court kontra sa pediatric vaccination sa edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Duque, absolute ang parental consent o hindi pwedeng alisin ito sa magulang.
Pero kung wala aniyang magulang at tanging guardian lang ang nag-aalaga sa menor de edad doon lang maaaring manghimasok ang estado para sa interes ng bata.
Iginiit naman ni Duque na mananatili pa rin ang parental consent sa normal na sitwasyon para sa kapakanan ng isang bata.
Facebook Comments