Nagpaaalala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa mga pari at mga rector na sumunod sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na dapat ay 30 percent lamang ng venue ang okupado.
Ito ay sa harap na rin ng pagsisimula bukas ng simbang gabi para ng mga Katoliko.
Ayon kay Sinas, inutos nya na sa lahat ng Chief of Police, PNP Provincial Directors, at City Directors na makipag-ugnayan sa mga pari sa kanilang area of responsibility para maipaalala ang patakaran lalo na at nananatili ang banta ng COVID-19.
Samantala, muli namang paalala ni General Sinas sa lahat na ipinagbabawal ang Christmas Party.
Aniya ipinauubaya nya sa lahat ng Police Commanders ang pagbabantay sa mga lalabag.
Patuloy aniyang naka-deploy ang mga pulis para hulihin ang mga lalabag sa ipinatutupad na health protocols dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.