CAUAYAN CITY – Nagtipon-tipon ang 222 participants sa Ammungan Hall, Bayombong, Nueva Vizcaya para sa Parokya ng OWWA sa Barangay at Pamilyang OFW’s.
Ang kaganapang ito ay inorganisa ng OWWA-RWO2 bilang suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kani-kanilang mga pamilya.
Nagkaroon naman ng slogan making contest, singing bee, larong Tama o Mali na nilahukan ng 26 na katao, at marami pang iba.
Nagbigay naman ng mga program checks ang ahensya kung saan kabilang ang isang Death and Burial Assistance na nagkakahalaga ng P120,000; 31 katao naman ang nakatanggap ng WAP Medical Assistance na may kabuuang P364,000; 13 benepisyaryo ng Scholarship Programs na nagkakahalaga ng P188,000; 97 ang nakatanggap ng Balik pilipinas Balik hanapbuhay! (BPBH) program na may kabuuang P1,860,000.
Sa kabuuan, nasa 142 ang nakatanggap ng financial assiatance na nagkakahalaga ng P2,533,000.