Cauayan City, Isabela – Ipapakilala na ng Cauayan City Government sa buwan ng Abril ang English as a Second Language o ESL bilang dagdag na trabaho o part time job ng mga guro.
Sa naging pahayag ni City Mayor Bernard Fuastino M. Dy sa isang aktibidad ng mga guro kamailan ay maigting na ipinagmalaki ng mayor na ang ESL ay isa sa mga malaking industry kung saan maaring mag-part time ang isang guro pagkatapos ng kaniyang trabaho.
Sinabi pa ng City Mayor na maaring gawin ito ng mga guro sa kanilang mga tahanan o sa libreng oras nila na makapagturo ng online sa ESL kung saan ang China umano ang numero unong kliyente sa online teaching.
Iginiit pa ni CM Bernard Faustino Dy na per oras ang bayad kung kayat kung mas masipag mas malaki ang bayad.
Ngunit hiniling pa ng mayor na kahit may ESL na ang mga guro ay di dapat nila iwanan ang kanilang propesyon at dedikasyon sa pagtuturo sa mga estudyante.
Umaasa si Mayor Dy na maging pioneer ang Cauayan City sa English as a Second Language.