Partido ni US President Donald Trump, nangako ng maayos na transisyon sakaling matalo sa halalan

183

Sinisiguro ngayon ng Republican leader na si Senator Mitch Mcconnell na magkakaroon ng maayos na transisyon kahit sinoman ang manalo sa darating na November 3, U.S. presidential election.

Ayon kay Mcconnell, kung sino man daw ang mananalo na presidente ay siguradong magkakaroon ng inagurasyon sa January 20, 2021.

Ang pahayag ni Mcconnell ay kasunod ng sinabi ni US President Trump na hindi siya nangangakong magkakaroon ng maayos na transisyon sakaling hindi siya manalo kontra kay Joe Biden ng Democratic Party.

Maging ang kaalyado ni Trump na si Senator Lindsey Graham ay sinabing tatanggapin ng kanilang partido kung ano ang magiging resulta ng nalalapit na presidential election.

Facebook Comments