Partidor na Drug Watchlist, Arestado sa ikinasang Buy bust Operation

171

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang isang partidor na drug watchlist sa ikinasang drug buy-bust operations ng mga otoridad bandang 9:40 kagabi sa kahababaan ng Santiago-Tuguegarao Road, Purok 2, Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela malapit sa isang driver-inn hotel.


Kinilala ang suspek na si Dominador Ordoñez, 32 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Paraiso, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM mula sa PNP San Mateo, dinakip ang nasabing suspek na kabilang sa matagal ng minamanmanan ng operatiba dahil iligal nitong aktibidad katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO2).

Nakumpiska naman sa pag iingat ng suspek ang isang (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang (1) drug buy bust money na (P500.00.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng otoridad si Ordoñez para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments