Partnership ng DZXL Radyo Trabaho at morethanjobs.ph, pagtitibayin sa isang kasunduan

Bukod sa karaniwang pagbibigay ng trabaho sa mga job hunters na dumadalo sa iba’t ibang job fairs, isang makabulohang pangyayari ang masasaksihan ng mga pipilang aplikante sa ikalawa at huling araw ng Job Fair 2019 : Trabaho for Every Juan ng jobquest.ph sa SM Mega Mall Megatrade Hall 3 ngayong araw.

Ngayong araw, kasabay ng job interviews ng nasa pitumpong mga employers sa kanilang mga aplikante, lalagda ng isang kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) ang dalawang higante sa larangan ng serbisyo publiko, ang jobquest.ph na kilala bilang isang on-line job portal kung saan puwedeng maghanap ng trabaho ang mga aplikante gamit lamang ang kanilang computer at iba pang mga internet gadgets sa kanilang tahanan at ang DZXL Radyo Trabaho ng Radio Mindanao Networks na mahigit anim na dekada nang naghahatid ng serbisyo publiko.

Sa naturang MOA, pagtitibayin ng dalawang kampo ang kanilang partnership sa paghahatid ng mga impormasyong makapagbibigay ng trabaho sa mga unemployed, underemployed at over employed na mamamayan. Layunin din nitong palawigin ang serbisyong ito hindi lamang sa Metro at Mega Manila kundi maging sa buong bansa.


Kaya mamaya, madaragdagan ang kaalaman ng mga naghahanap ng trabaho kung saan pa sila puwedeng magtungo at makasiguro ng hanapbuhay na kanilang hinahangad.

Facebook Comments