Manila, Philippines – Inilipat na sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iba’t ibang klase ng party drugs na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang inspeksiyon sa surface mail exchange department sa port area.
Mismong si Commissioner Isidro Lapeña ang nanguna sa turnover ng mga droga kay PDEA-National Capital Region Director Ismael Fajardo sa tanggapan ng BOC sa port area, Maynila.
Pawang galing sa Pakistan ang mga ilegal na droga tulad ng valium, pinix, stilnox at iba pang klase ng party drugs.
Noong January 4 at 10 dumating ang mga kontrabando pero walang kumukuha kaya kinumpiska ito ng BOC.
Nadiskubre ang mga party drug sa isinagawang inspeksiyon ng mga tauhan ng customs postal office examiners at anti-illegal drugs task force ng ahensiya sa surface mail exchange department sa port area.
Party drugs na nakumpiska ng Bureau of Custom, tinurn-over na sa PDEA
Facebook Comments