Tampok ang video kung saan tinanggal ang paru-paro sa loob ng tainga ng babae sa Ha Nam province, Vietnam.
Sa inilabas na video ng United Press International News Agency (UPI) nitong Hulyo 13, mapapanood ang doktor na inooperahan ang pasyenteng may paru-parong nanirahan sa tainga nito.
Ayon sa UPI, nagtungo ang pasyente sa Tuan’s clinic dahil sa pananakit ng tainga nito. Napag-alaman ng doktor na may naninirahan palang insekto sa loob ng tainga nito.
Dagdag ng doktor, may paru-paro sa ear canal ng lalaki na nakita sa pamamagitan ng special camera.
Ginamit naman ng doktor ang tweezer upang maalis ang paru-paro sa loob. Hindi madali ngunit naging matagumpay naman ang operasyon sa lalaki.
Ayon sa pag-aaral ng University of Rochester Medical Center, posible ang mga ganitong kaso na habang natutulog ang tao sa labas ng bahay ay may dumakong insekto sa tainga nito.
Dagdag ng URMC, posibleng mamatay ang insekto sa tainga o manatiling buhay at gumapang palabas.
Panoorin ang kabuuan ng video: