Parusang Bitay, Dapat Ibalik Ayon sa VACC!

Cauayan City, Isabela- Nais ibalik ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang parusang bitay o Death Penalty dito sa bansa dahil sa patuloy at dumaraming pagpaslang sa mga pari, mamamahayag at ilan pang mga indibidwal.

Ito ang inihayag ni ginoong Boy Arsenio Evangelista, ang Spokesperson ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.

Aniya, Naaalarma na umano sila sa mga magkakasunod na pamamaslang sa mga pari dito sa bansa kung saan nitong buwan lamang ng Hunyo ay pinatay si father Richmond Nilo habang ito ay nagsasagawa ng misa sa San Antonio, Nueva Ecija.


Matatandaan na nitong mga nagdaang buwan ay pinaslang din ng mga Riding in Tandem si Father Mark Ventura sa bayan ng Gattaran, Cagayan habang ito ay nagmimisa at isa pang pari sa lalawigan ng Calamba subalit maswerte ito dahil nakaligtas sa bingit ng kamatayan.

Ayon pa kay ginoong Evangelista, mainam lamang na muling ibalik ang Death Penalty para sa lahat ng mga mamamatay tao kaya’t kinakatok rin ni ginoong Evangelista ang simbahang katoliko na bigyan ng pagkakataon na muling ibalik ang parusang bitay.

Kanya ring inihayag na malaki ang kanyang pangangamba dahil maaari umanong mayroon pang isusunod na paring papaslangin.

Facebook Comments