
Cauayan City – Pansamantalang itinigil kahapon, ang pasada ng mga motorized na bangka sa kahabaan ng Turod-Banquero Bridge bilang pag-iingat sa banta ng Bagyong Crising.
Ayon sa mga bangkero, kahit hindi pa umaabot sa danger level ang tubig, minabuti na nilang ihinto ang biyahe upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Manunumbalik lamang ang operasyon ng tawid-ilog sakaling humupa na ang lagay ng panahon at mawala na ang banta ng bagyo.
Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at MDRRMO.
Facebook Comments









