PASADO | Panukala para sa mga cancer patients, lusot na sa 2nd reading

Manila, Philippines – Mabibigyan na ng kaparehong karapatan at pribilehiyo tulad sa mga PWDs ang mga cancer patients.

Sa ilalim ng House Bill 8636 o “National Integrated Cancer Control Act” na nakalusot sa ikalawang pagbasa sa Kamara, layunin nitong gawing abot-kaya at accessible ang gamutan ng mga mahihirap na may-sakit na cancer gayundin ang pagbaba ng mortality rate sa nasabing sakit.

Isinusulong ng panukalang inihain ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang integrated at comprehensive approach sa kalusugan ng mga cancer patients, cancer control policies, services at healthcare delivery system.


Bubuo din ng National Integrated Cancer Control Program na palalakasin ang mga mahahalagang programa at mga cancer-related activities ng pamahalaan tulad ng cancer prevention, screening, accurate diagnosis at iba pa.
Magtatatag din ng National Integrated Cancer Control Advisory Council na siyang aaktong recommendatory body at Cancer Assistance Fund para sa pagpapagamot ng mga mahihirap na cancer patients.

Palalawigin din ang PhilHealth benefit package para sa screening, detection, diagnoses, treatment assistance, palliative care at iba pang tulong sa lahat ng types at stages ng cancer.

Facebook Comments