5 Upcoming Movies Na Dapat Mong Panoorin Kasama Ang Iyong Special Someone Ngayong December

IMAGE FROM: TRIPADVISOR

Ngayong darating na pasko ay uso nanaman ang mga pasyalan lalo na sa mga magjowa, magkaibigan lalo na sa magpamilya.  Nariyan ang luneta, malls, festival of lights sa ayala siyempre di mawawala ang sikat na Metro Manila Film Festival (MMFF) na dinurumog darating ang araw ng pasko.

Kaya magbibigay tayo ng mga upcoming movies mapa international man o local na siguradong mag-eenjoy niyong magjowa.

1. AQUAMAN 


Sa mga magjowang mahilig manood ng mga sci-fi at action & advetures siguradong swak to para sa inyong dalawa. Dahil dadalhin tayo ng movie na to sa ibayong dagat mga beshiee higit pa ru’n yung makapigil hiningang labanan at habulan sa bubungan hanggang sa ilalalim ng dagat na hindi submarine ang mga gamit sa digmaan   kundi mga seahorse at pating ang gamit sa pakikipaglaban kaya siguradong isa to sa mga movies na magugustuhan niyo lalo na ni boyfriend/girlfriend siyempre pwede rin to kay bunso na siguradong mag-eenjoy sa pelikulang to. Kaya abangan sa December 21, 2018 ang ere nito sa mga cinehan.

2. BUMBLEBEE

Ito na nga mga beshhhh… Mauuso nanaman ang transformers kaya sa may mga jowa diyan maghanda na kayo kapag si girlfriend na ang mag-transform to Megatron tiyak na mayayari kayo kahit kayo pa si Optimus Prime pero siyempre ang movie naman na to ay tungkol kay Bumblebee kung saan nabili siya ng isang 18-anyos na si Jane sa isang junkyard sa isang beach. Siyempre kilala naman natin si bumblebee na makulit, mabait at loyal(Sana all) na sidekick ni Optimus Prime kaya dapat isama niyo na to sa mga watch list movies niyo ngayon magpapasko dahil sa darating na December 21, 2018 ang ere ng pelikulang to.

3. JACK EM POPOY: THE PULISCREDIBLES

Unang beses sa MMFF, magsasama si Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza sa isang palabas na siguradong pasisiyahin kayo sa mga komedyang hatid nila. Siguradong magugustuhan niyo tong pelikulang ito dahil dilang komedya ang ihahatid nila sa atin dahil makakakita nanaman tayo ng bagong tambalan na maaaring mag-click sa masa. Makikita nanaman natin si Cardo Dalisay lalong kaabang-abang ang pelikulang to dahil sa hindi siya mamatay-matay kaya wag na tayong umasa masasakatan lang tayo. Kaya abangan ang pelikulang to dahil siguradong di ka lang sasaya, kikiligin ka pa. Kaya Isama na to sa mga most awaited movies niyo ngayon darating na MMFF

4. Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya

Isa ito sa kaabang-abang na pelikula na ipapalabas sa MMFF ngayon dahil sa pagsasama ng mga sikat na artista gaya nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at ang millennial loveteams na MayWard, LoiNie at DonKiss di lang yun may special participation pa ni Jacqueline Jose na siguradong magugustuhan niyong magjowa dahil sa fantasy-comedy na dala ng pelikulang to at siguradong ma-eenjoy niyo ang pelikulang ito.

5. OTLUM

Papasok nanaman December, siyempre hindi na bago sa atin mga horror films tuwing sasapit ang pasko halos ilang shake, rattle & roll na ba ang mga napanood niyo sa mga cinehan tuwing pasko at marami pang iba. Subukan niyo ang pelikulang ito dahil sa siguradong tatakutin kayo ng palabas dahil sa makatindig balahibong gimik ng mga magkakaibigan. Ihanda niyo ang inyong sarili niyo lalo na sa mga magjowang babalaking panoorin ang pelikulang ito.

Ito na nga ang mga pelikulang kaaabangan niyo ngayong darating na december at magpapasko na sisiguradong magugustuhan niyo. Kaya idagdag niyo na to sa mga listahan niyo.

 


Article written by Jerom Aboy

Facebook Comments