Manila, Philippines – Pasahe sa mga taxi, para makasabay sa serbisyo ng Uber at Grab.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, ibabase nila ito sa formula ng Grab at Uber na base sa distansya.
Halos maipapantay na aniya sa pasahe sa Grab at Uber ang taxi rates pero ang kaibahan lang, walang surge rates ang mga taxi.
Ilalabas nila aniya ang desisyon bago matapos ang buwan pero ang kalidad nito ay kalidad na serbisyo tulad ng ibinibigay ng Grab at Uber.
Itinuturing namang hamon ni Fermin Octubre, National President ng Dumper Phil. Taxi Drivers Associations.
Sabi naman ni Philippine National Taxi Operators Association President Bong Suntay, hindi muna sila manghihingi kaagad ng pagtaas ng boundary.
Pero para naman sa LTFRB, mas marami nang mapagpipilian ang mga pasahero kung halos pantay na ang pasahe at serbisyo sa mga taxi at transport network service.