PASAWAY │Driver’s license ng aktres na si Maria Isabel Lopez, kinansela na

Manila, Philippines – Pinawalang bisa na ng Land Transportation Office ang driver’s license ng aktres na si Isabel Lopez.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, naging batayan sa desisyon ang pag-selfie at pag-post ng aktres sa social media ng pagdaan niya sa ASEAN lane nang walang permiso.

Dahil dito, hindi makakakuha ng bagong lisensya si Lopez sa loob ng dalawang taon.


Pinagmulta rin siya ng walong libong piso dahil sa mga sumusunod na paglabag:

· Disregarding traffic signs
· Violation of the anti-distracted driving act
· Reckless driving

Facebook Comments