PASAWAY | 81 na tao, nasampolan sa unang araw ng implementasyon ng city ordinance na nagbabawal sa mga motorista na magsuot ng bonnet at face cover

Mandaue, Cebu City – Aabot sa 81 na tao ang nasampolan ng unang araw ng implementasyon ng city ordinance na nagbabawal sa mga motorista na magsuot ng bonnet at face cover sa Mandaue City sa Cebu.

Ang nasabing ordinansa ay inaprubahan ng city council noong November 2017 kung saan isinakatuparan ito matapos ang sunod-sunod na insidente ng pamamaril ng riding in tandem sa lungsod.

Sa ilalim ng ordinansa, ipinagbabawal sa mga driver ng motorsiklo, mga angkas nito at maging sa tricycle drivers na magsuot ng face mask at ng bonnet.


Para masigurado na hindi makakatakbo ang mga pasaway na motorista, bukod sa mga pulis at traffice personnel, maaaring tumulong ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagre-report sa mga ito kung saan kanila lamang kukunin ang plate number o kukuhanan ng litrato ang mga ito.

Facebook Comments