Manila, Philippines – Pumalo na sa 50,748 mga indibidwal at tambay ang lumabag sa ibat-ibang ordinansa ng lungsod ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kabilang na dito ang nag-iinom sa mga pampublikong lugar, naninigarilyo sa hindi designated areas at paglabas ng mga kalalakihan nang walang damit pang itaas.
Ito ay kasunod na rin ng ginagawang pagpapaigting ng kapulisan sa pag-aresto sa mga lumalabag sa city ordinance.
Sa datos ng NCRPO mula Hunyo a-13 hanggang Hulyo a-14.
Drinking in Public places
Total: 5,958
Smoking ban
Total: 17,292
Half naked
Total: 7,457
Minors violating curfew hours
Total: 7,718
Other ordinances
Total: 12,323
GRAND TOTAL: 50,748
Sa nasabing bilang 4,350 ang mula sa NPD, 23,600- EPD, 7,257- MPD, 9,324- SPD at 6,217- QCPD
Pero ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar bumaba na ang bilang mga nakakulong.
Ito ay dahil mula sa 50,748 na mga tambay lumabag sa ibat-ibang ordinansa 30,696 dito ang pinagsabihan lang ng mga otoridad, 14,301 ang nagmulta habang nasa 5,751 naman ang tuluyan nang kinasuhan.
Sa ngayon 12 ang hawak ng SPD habang 29 naman ang nasa kustodiya ng QCPD.