Pumalo na sa 299 na personalidad ang pinagdadampot ng Manila Police District (MPD) sa ilalim ng pamumuno ni MPD District Director Police Chief Superintendent Rolando Anduyan, dahil sa mga ibat-ibang mga paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel mga paglabag sa mga ordinansa gaya ng drinking in public places/streets, smoking ban, half-naked in public places at minors violating curfew hours ang mga naaaresto ng MPD sa kanilang puspusang kampanya kontra kriminalidad.
Paliwanag ni Manuel malaking kontribusyon ang mga barangay opisyal sa kanilang kampanya kontra kriminalidad upang maging matagumpay ang kanilang operasyon.
Hinimok din ng opisyal ang publiko na makipag-ugnayan sa mga tauhan ng MPD kapag mayroon silang nalalaman na mayroong kahina-hinalang lugar sa kanila area of responsibility.