NBA | LeBron James paboritong manalo ng MVP sa 2018-2019 NBA Season

54

Hindi pa man nagsisimula ang bagong season ng National Basketball Association (NBA) pero may paborito na agad ang mga bookmaker sa Las Vegas.

Ayon sa mga ito, si LeBron James ng Los Angeles Lakers ang top pick nila na mag-uuwi ng prestihiyosong pagkilala ng liga bilang pinakamagaling na player ng season.

Limang taon na ang nakakalipas bago naiuwi ni James ang kaniyang huling MVP award. May apat na MVP award ang 14-time All Star at three-time league champion.

Kahit bago ang koponan nito, marami pa rin sa Las Vegas ang naniniwalang ito ang taon ni James na makuha ang kaniyang ika-limang MVP plum.

Bukod kay James, nasa listahan din ng mga bookmaker sina Anthony Davis ng New Orleans Pelicans, Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, reigning MVP James Harden ng Houston Rockets at Kawhi Leonard ng Toronto Raptors.

Facebook Comments