AMBUSH | NBI, dumistansya muna sa kaso ng pagpaslang sa alkalde ng Sudipen, La Union

Hindi muna papasok ang NBI sa imbestigasyon sa pananambang kay Mayor Alexander Buquing ng Sudipen, La Union.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hahayaan na muna nila ang PNP na magresolba sa kaso.

Gayunman, nakahanda aniya ang NBI na tumulong sa paglutas sa kaso sakaling kailangan sila.


Sa naturang ambush, nasugatan din ang maybahay ng alkalde na si Vice Mayor Wendy Joy Buquing habang namatay din ang police escort at driver ng alkalde.

Sinasabing gun for hire ang pumatay kay Mayor Buquing.

Facebook Comments