Pasay City, nangunguna sa may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila

Kinumpirma ng Pasay City Health Office na 59 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kasabay nito ang kumpirmasyon na ang lungsod na ang may pinakamababang kaso ng infection sa Metro Manila.

Iniulat din ng City Health Office na 13,854 o 96.91% nang mga residente ng Pasay ang naka-recover sa COVID-19.


Sa kabila nito, muling umapela sa lahat si Mayor Emi Calixto-Rubiano na lalo pang pag-ibayuhin ang pagtutulungan para tuluyan nang masugpo ang virus.

Facebook Comments