Pasig City Government nakipagtandem sa Cagayan Valley Region bilang paghahanda sa pagtama ng lindol

Isang Memorandum of Understanding (MOA) ang naiselyo sa pagitan ng pasig cit government at cagayan valley region.

Kasama din sa partnership ang office of the civil defense, DOST-Phivolcs, at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Layunin ng kasunduan na mapaghandaan ang pagtama ng pinangangambahang “the big one” o malakas na lindol na intensity 7.2 pataas.


Base sa kasunduan, sakaling mapilayan ang pasig city government sa pagtama ng lindol ay agad reresponde at tutulong ang disaster response team ng mga taga-Cagayan Valley Region.

Gayundin naman ang disaster team ng Pasig City Government na handa ding umayuda sa Cagayan Valley Region sa oras ng sakuna.

Kasama din sa MOA ang capacity-building at familiarization sa lugar at  mga kagamitan sa lungsod ng pasig.

Matapos mapirmahan ang MOA ay nag-“Walk the Fault” pa sila sa Bagong Ilog, na isang ehersisyo kung saan tininginan din ang mga istrukturang nakatayo sa fault line.

Facebook Comments