Pasig River Ferry Service, muling inilunsad

Muling inilunsad ng gobyerno ang Pasig River Ferry System bilang alternatibong transportation para sa mga commuter ng Metro Manila.

Mayroong limang ferries ang bumibiyahe sa 11 istasyon mula Pasig City patungong Maynila.

Ang travel time intervals mula isang istasyon patungong iba pa ay umaabot ng isa hanggang dalawang oras.


Ayon kay MMDA Spokesperson, Asec. Celine Pialago, mula sa kasalukuyang 200 pasaherong sumasakay sa Ferry Service, umakyat pa ito ng 250.

Aminado si Pialago na nakakaranas din ng mechanical problems ang Ferries lalo na kapag nagmamani-obra sa Ilog Pasig na natatambakan pa rin ng basura.

Sa ngayon, ang Philippine Coast Guard at Philippine Ports Authority ang magsisilbing River Ferry Traffic Enforcers habang ang MMDA ang nangangasiwa ng Ferry System.

Facebook Comments